Pagtataling-Puso sa Buwan ng nga Puso
Inihahandog ng Pamahalaang Bayan ng Rosario sa pamumuno ni Mayor Jose Voltaire Ricafrente ang Kasalinas 2023 Pagtataling-puso sa Buwan ng mga Puso! Sa darating na Buwan ng Pebrero, isang daan (100) na magsing-irog ang ating pag-iisahing dibdib. Sagot namin ang isang romantikong sorpresa para sa lahat ng ating ikakasal.
Ano pang hinihintay mo, kung ikaw ay taga-Salinas, yayain na ang iyong magiging katipan upang magpatala sa ating munisipyo. Hanapin lamang si Lorna Alegre ng Mayor's Staff para sa karagdang detalye.