BUSINESS ONE-STOP SHOP 2023 NAGSIMULA NA!

Posted January 03, 2023


SHARE

Bukas na po ang ating taunang BUSINESS ONE-STOP SHOP (B.O.S.S) simula JANUARY 3 hanggang JANUARY 20, 2023 sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa 2ND NG FLOOR LINGKOD BAYAN BLDG, POBLACION, ROSARIO, CAVITE, mula 8:00AM hanggang 5:00PM

Ang lahat ng may-ari ng negosyo ay maaaring magtungo sa ating B.O.S.S. Schedule (See Pictures) para sa mas maayos na pagproseso ng application/renewal ng inyong business permits and licenses.

Ihanda at dalhin ang mga sumusunod na dokumento bago magtungo sa BPLO sa takdang petsa para sa mas mabilis na pag proseso ng inyong Permit:

  1. Barangay Business Clearance (1 original, 1 photocopy)
  2. Notarized Sworn Statement of Gross Sales o Kabuuang Benta sa loob ng isang taon. Maaring magtungo sa pinaka malapit na abogado o notaryo publiko para dito (1 original)
  3. Quarterly Tax Returns (Vat 2550Q / Percentage Tax 2551Q) or Audited Annual Income Tax Returns, kung ang negosyo ay BIR Registered (1 original, 1 photocopy)
  4. Lessor’s Mayor’s Permit, kung nangungupahan (1 photocopy)
  5. Market Clearance para sa mga Negosyo sa Public Market (1 original)
  6. Fish Port Clearance para sa mga negosyo sa Municipal Fish Port (1 original)
  7. Fire Safety Inspection Certificate (original blue copy)
  8. Para sa OBO/Engineering clearance Occupancy Permit
  9. Para sa MENRO clearance Larawan ng inyong tatlong (3) basurahan may tatak na "Di-Nabubulok", "Nabubulok", "May Pakinabang" sa lugar ng inyong Negosyo CNC or ECC (1 original, 1 photocopy) depende sa dating assessment ng MENRO sa inyong Negosyo NWRB Certificate para sa mga water station na ang pinagmumulan ng tubig ay poso
  10. Para sa Sanitary Permit ng mga negosyo gaya ng pagkain, water refilling station, chicken & meat vendor, spa, beauty parlor, Hotel, Resort, at iba pang kauring negosyo: Health Card ng mga empleyado, para makakuha nito dalhin ang mga sumusunod, (1 original, 1 photocopy): Resulta ng Medical Laboratory Tests ng empleyado (gaya ng X-ray, Hepa-B screening, Urinalysis at Fecalysis) NBI or Police Clearance ng empleyado Cedula ng empleyado 1x1 ID picture ng empleyado Water Analysis Report para sa mga water refilling station
  11. Authorization Letter or Board Resolution at valid government-issued ID ng may-ari ng negosyo at ng kanyang kinatawan kung hindi personal na makakapunta (1 original, photocopies of IDs)

Maaring may mga karagdagang dokumento o requirements na hingin galing sa ibang opisina o ahensya depende sa uri at estado ng inyong Negosyo.

Magdala ng inyong sariling ballpen Maghugas o mag-alcohol lagi ng kamay Patuloy na mag-ingat laban sa Covid-19 virus.

Maraming Salamat po!

TAGS
ROSARIO HOTLINES

ROSARIO POLICE
ROSARIO MEDICAL
CLINIC
ROSARIO FIRESTATION
WEBSITE VISITORS

  • Today
  • Yesterday
  • This Week
  • This Month
We use cookies to personalize content and to analyze our traffic. Please decide if you are willing to accept cookies from our website.